ano nga ba ang pasko??
By alyasbobby •
habang nag aantay pa rin po ng unang araw ng simbang gabi.. naisip ko lang na ilagay ito..
ano nga ba ang pasko?? pasko?? marami ang nag sasabi na ang pasko daw ay ang pagdiriwang ng pagmamahalan, pagbibigayan, pagpapatawaran at pagkakaisa ng bawat isa..
ang pasko daw ang panahon kung saan nag didiwang tayo ng kasiyahan at kapayapaan..
para sa akin.. ang pasko rin ay pag bibigay respeto sa kapanganakan ni jesus christ..
at sana lang.. hindi lang tayo tuwing pasko nag didiwang ng pagmamahalan, pagkakaisa at pagbibigayan sa bawat isa..
mas maganda po sana kung ginagawa natin ito araw araw o kahit hindi pasko...
kayo?? ano nga ba ang pasko para sa inyo??
0 comments