anong masasabi nyo?
Matagal akong nawala dito sa QL dahil sa ngayon ay sobrang busy talaga ako sa trabaho. Pero pinilit kong maka pag post ngayun dahil talagang kumukulo ang dugo ko at nag ngingitngit sa mga pangyayaring nakikita ko.
ang aking kapitbahay na pinay DH ay sinabihan n kanyang amo na hindi sya pa s swelduhin at pagkatapos na lang daw ng 2 years contract nya makukuha. kaya hayun, tumakas si kabayan. pumirma sya ng $400 na sweldo sa agency sa Pinas pero pagdating dito kinuha nang agency dito ang lahat ng documents nya pati passport at ID pati na ang cellphone nya.
2nd. ang kaibigan ko na DH sa mga piloto ng QA ay biglaang pina uwi ng amo at cancelled pa ang visa dahil lang sa nakita nya ang balahibo ng pusa nya ay buhol buhol.to think na tiniis nya lahat ng masakit na salita at panglalait ng bwisit na among yun para lamang magkasundo sila. pero dahil nga windy ngayun ang balahibo ng pusa at nag tangle na.
tanong: ano ba ang dapat gawin sa ganitong klaseng mga amo? paano sila mai ba ban from hiring Filipinos? ano ang magagawa ng Owwa dito?
paano ba natin matutulungan ang mga kababayang ganito ang sitwasyon?
lahat tayo ay iisa ang pakay sa pag a abroad ang mapaganda ang buhay, pero ang ilang kaawa awa nating kababayan ay ina alisan ng karapatan ng mapagmalabis na amo. hindi ko maipikit ang aking mga mata at takpan ang aking tainga sa mga kababayan nating ganito ang sitwasyon. 2 lamang ang binaggit ko dito, napakarami pa ang masahol pa dito ang sitwasyon.