Bandila
Paki kalat nalang…
Kelan lang ay may naglabasang balita na pag may FLAG sticker ng Pilipinas ang kotse mo ay ligtas kana sa mga violation sa kalsada katulad ng overspeeding at beating the red light, dahil diumano’y ang mga kababayan nating Pilipino ang kumukuha or nagda-download nito sa mga nagkalat na camera sa kalsada at intersection.
Ang mga bali-balitang ito po ay nakarating nasa kinauukulan ng Ministry of Interior at pilit na pinagpapaliwanag ang mga pobre nating kababayan na nagtata-trabaho doon, ang ilan sa kanila ngyo’y under surveillance at ang iba naman ay napauwi na. Marami sa mga kababayan natin ang galit dahil ang iba sa knila’y nawalan ng trabaho at ito’y ipinararating nila sa karamihan na kung pwede sana paki-tanggal na ang mga sticker ng Philippine flag sa inyong mga sasakyan at kung gusto nyo naman eh pwede nyong ilipat ng location ang sticker wag lang po sa likod or wag malapit sa Registration Number.
Para maiwasan po ang kahit na anong problema na ating kakaharapin sa kalsada ay sumunod na lamang po raw tyo. Ang sabi nila’y nasa watch list ng MOI ang mga sasakyan na may flag ng bansa natin. Eto po ay pawing transmitted message lamang ng mga taong mas may higit na kaalaman.
Maraming salamat po!