Battle of the brainless jokes
Quiz Master: Ano ang Pambansang isda ng Phils.?
(Note: correct answer is Bangus/Milkfish)
Erap: Pating?!
Quiz Master: Mali! O eto ang clue: "Ito ay nagsisimula sa letrang "B".
Alma Moreno: Balyena!?
Quiz Master: Mali na naman! Another clue, 100 times na mas maliit sa balyena.
Erap: Alam ko na!...BUTETE!!
Quiz Master: Mali ang tamang sagot ay bangus.
Quiz master: Ano ang pambansang hayop ng Phils.?
Clue ito ay nagsisumula sa letrang "K" (Note: correct answer is kalabaw a.k.a. water buffalo)
Erap: Kambing?!
Quiz master: Mali! next and last clue" katulong ng mga magsasaka sa pag-bubungkal ng lupa"
Alma Moreno: Alam ko na! Kutong-lupa!!?
Erap: Kabayo?!
Quiz master: Mali! clue" huling letra ay W"
Alma Moreno: Alam ko na! Kabayow!!?
Quiz Master: Mali na naman! May sungay ito!
Erap: Demonyong Kabayow?!
Quiz Master: Mali na naman! Ang tamang sagot ay kalabaw!
Quiz Master: Sino ang pumatay kay Magellan?
Clue "LL" ang kanyang initials. (Note: correct answer is Lapu Lapu)
Erap: Lito Lapid, Jr.?
Quiz Master: Mali, Lito Lapid, Jr. was not even born at that time!
Alma Moreno: E... di si Lito Lapid Sr.?!
Quiz Master: Wrong! Another clue "inuulit-ulit ang pangalan n'ya.
Erap: Ah alam ko na! LITO-LITO!
Quiz Master: Mali!
Alma Moreno: LAPID-LAPID?!
Quiz Master: Ano ang pangalan ng pambansang bayani ng Pilipinas?
Clue: JR ang kanyang initials (Note: correct answer is Dr. Jose Rizal)
Erap: Jeric Raval?!
Quiz Master: Mali! Another clue: siya'y isang doktor!
Alma Moreno: Is it Dr. Jerick Raval?!
Quiz Master: Mali! Isa pang clue: siya ay yumao na!
Erap: The late Dr. Jerick Raval?
Quiz Master: Ano ang pambansang bulaklak ng Pilipinas?
Clue: Ito'y nagsisimula sa letrang "S" at nilalako sa EDSA.
(Note: correct answer is Sampaguita)
Alma Moreno: Storck!
Quiz Master: Mali!
Erap: Sitsaron?
Quiz Master: Hay naku! Sinabi nang bulaklak ito e.
Alma Moreno: Sitsaron bulaklak?!
Quiz Master: Mali! Another clue: tinutuhog ito!
Erap: Squid Ball?
Quiz Master: Ano ang pambansang ibon ng Philippines? (Note: correct answer is Maya)
Alma Moreno: Sisiw?
Quiz Master: Mali! O eto ang clue: nagsisimula sa initial na "M."
Erap: Manok?!
Quiz Master: Hindi! Ito ay kulay brown!
Alma Moreno: Ah...e di....piniritong Manok!!
Quiz Master: Hay naku! Mali! Mali! Ito ay mas maliit sa manok!
Erap: Chicken Boullion cubes