BUGTONG BUGTONG!
Tama na ang bangayan at pakikipagtalastasan,
Baka mauwi pa sa hindi maganda ang usapan,
Mas mabuti pang sagutin natin itong palaisipan,
Nang tayo'y maaliw sa konteng bugtungan.
Masayang balikan ang kabataan,
Noong panahong nagbubugtungan,
Habang sa puno ng manga'y nagduduyan,
Sa pagsagot, ang mga bata'y nag-uunahan.
Hehehe...Padamihan po ng masasagot..Enjoy!
0 comments