Citizenship - Gaano ba ito katimbang........
Nais ko po sanang malaman ang inyong opinion tungkol sa pagbabago ng Citizenship. Ito'y matagal ko na ring pinag-iisipan, pero kagaya ng karamihan siguro na gaya kong may pagka "nationalistic" ay hindi sasagi sa isipan nila ang bagay na ito.
Ngunit sa mga nangyayari ngayon sa ating bansa, hindi ko rin maipagkakaila sa aking sarili na ako'y nawawalan na rin ng pag-asa tungkol sa kahihinatnan ng ating bansang Pilipinas. Idagdag pa rito kung paano tayo i-stereotype ng mga ibang lahi kung ang iyong passporte ay sa Pilipinas.
Kung aking susuungin ang pagbabago ng nasyonalidad, sa ganang akin ay oportunidad lamang, mabago man ang aking pasaporte, puso ko'y pinoy pa rin. Subalit may mga katanungang bumabagabag sa aking isipan na nais kong malaman ang kasagutan sa mga nakakaalam.
1) Kung ang dayuhan ay walang karapatang magmay-ari ng bahay at lupa sa pinas. Anong mangyayari sa aking bahay at lupa?
2) Anong mangyayari sa aming SSS na aking hihuhulagan ng 13 taon?
3) Kung akin nang iwinaksi ang aking pagka-Pilipino, may pag-asa bang ito'y muli kung makamtan?
4) Anong mga "pros and cons" ang inyong palagay tungkol sa bagay na ito.
Sana matulungan ninyo ako sa aking pagbubulaybulay sa bagay na ito. Anuman ang inyong mga kumento ay siyang magiging aking gabay sa aking pagde-desisyon ukol sa bagay na ito.
Maraming salamat po.
Sana matulu