The Filipino Channel (TFC) connection!
Nitong nakalipas na linggo hanggang ngayon ewan ko kung bakit hindi parin stable ang TFC connection ko lagi nalang scrambled ang channel at paputol-putol. Nakakaasar manuod talaga sa totoo lang! Hindi naman ganyan ang connection ko lately pero ngayon parang manonood ka na nga lang maeestress ka pa!
Baka naman may taga TFC dito baka pwede nyong ayusin ang linya nyo! ang hirap naman kasi tatawag ka sa TFC hindi ka pa tapos magsalita eh sasabihin ng may bayad ang technician nila pag pinuntahan ang bahay mo! As if namang hindi mo na itutuloy ang reklamo mo kung narinig mong may bayad! Grrrrrrr!!!...
Kayo ba ok ba ang linya nyo ng TFC sa ngayon? O tuluyan nyo nang ipinaputol sa ASAR nyo?!