hindi ako under kay misis
Pag sinabi kong: "Ako ang tigas sa amin."
I mean: "Ako ang tigas-saing, tigas-sampay at tigas-sundo ng mga bata."
Pag sinabi kong: "Gagawin ko kahit ayaw ng misis ko."
I mean: "Gagawin kong maghugas ng pinggan kung ayaw niya, gagawin kong maglaba kung ayaw niya."
Pag sinabi kong: "Kapag sinabi kong hiwalay, HIWALAY!"
I mean: "Hiniwalay ko na ang puti sa de-kolor at baka kumupas ang labada."
Pag sinabi kong: "Lahat ng utos ko ay pasigaw."
I mean: "Hoy bilisan mo naman iyang kape at giniginaw na ako dito sa labahan!"
Pag sinabi kong: "Ako ang laging nasusunod!"
I mean: "Oo, dear susunod na ako sa iyo sa palengke."
Pag sinabi kong: "Nakukuha ko siya sa isang salita!"
I mean: "Honey, huwag mo na akong batukan at masakit!"
Pag sinabi kong: "Inaabot siya sa akin ng mura!"
I mean: "Ling naman, mura lang naman iyong sapatos na bibilhin ko!"
Pag sinabi kong: "Nakukuha ko siya sa isang tingin!
I mean: "Hon, patingin naman ng periodiko pagkatapos mong basahin."
Pag sinabi kong: "Kaya ko siyang paluhurin!"
I mean: "Paluhod niyang sinabing 'Hoy duwag, lumabas ka riyan sa ilalim ng kama kungdi tatamaan ka sa akin!"
Pag sinabi kong: "Hindi niya ako kayang paglabahin!"
I mean: "Hindi pwede kasi hindi pa ako tapos mamalantsa.