Ingat po tayo sa pagtulong sa ibang di natin kababayan!
Mga Kababayan..
Not sure kung totoo ito pero siguro kung sino man nakakabasa nito na nakakaalam sa nangyayari..share lang. at sana maging lesson learned na rin.
Forward lang ito sa akin pero malamang may katotohanan.
Sa lahat na Manggagawang Pilipino,
>
> Nais ko lamang i-share sa inyo ang isang pangyayari na
> nawa'y kapulutan natin ng aral at maging silbing
> paalala sa atin habang tayo'y nandito sa Gitnang
> Silangan lalo na sa bansang ito. Ito po angstorya:
>
> Kamakailan lamang, sa Carrefour ( City Center )
> ay merong isang Arabianang customer na nabitiwan
> nito ang kanyang bag at kumalat sa display area ang mga
> gamit nito. Dahil po likas sa ating mga Pilipino na
> matulungin, nakita po ng isa nating kabayan na dun
> nagtatrabahao at dagliang tinulungan ang babae. Pero di po
> alam ng kabayang ito na sa pagmamagandang loob niya ay
> magiging masalimuot ang kanyang Pasko at Bagong Taon.
>
> Pagkatapos niyang tulungan ang babae, nag-complain ito sa
> Customer Service na nawawala daw ang kanyang pera worth
> SR3,500 at ang pinagbibintangan ay ang kawawang kabayan na
> nagmamagandang loob lamang.Tumawag ng Security Guard at
> nagkaroon ng investigation. Sa maikling salita, ang
> advice sa kabayan ay bayaran na lang ang babae para di na
> raw maging Police matter. Dahil sa laki ng amount compared
> sa suweldo ng kabayan ay humingi ito ng tulong sa mga
> kababayan natin at dagliang napunuan ang SR3,500 para wala
> nang problema. Ang lahat po ay nag-ambag ambag para malikom
> ang naturang amount.
>
> Akala namin dito na magtatapos angissue, pero kahapon,
> aming pong napag-alaman na ang kabayan natin ay pauuwiin ng
> kumpanya dahil sa paratang na pagnanakaw, at dahil sa
> mabilis na pagbayad sa nawawalang SR3,500 ay nagduda ng
> husto ang kanilang kumpanya na siya nga talaga ang kumuha
> ng pera ng babaeng customer.
>
> Mahirap pong isipin kung ano merong ugali o katwiran ang
> mga taong ito. Malinaw na ang kabayan natin ay biktima ng
> panloloko at sa pagmamagandang loob nito na tumulong ay
> nagingcause pa ng kanyang termination from work at
> magpasalamat daw siya dahil pauuwiin lang siya at hindi
> ipakukulong.
>
> Dahil dito, let us be reminded by our PDOS, na sa anumang
> pagkakataon kahit mabuti ang ating intention ay huwag tayong
> mag-extend ng anumang tulong lalung-lalo na sa mga katutubo
> o ibang lahi. Masama man ayon sa ating pananalig,
> paniniwala o nakagisnang kultura, pero ito ay huwag nating
> gawin. Kaya po, pag may nakita tayong nalaglag na gamit lalo
> na sa babae, saan mang Mall o Shopping Center huwag na
> nating tulungan at hayaan na lang natin sila. At nawa
> ito'y maging babala sa ating lahat.
>
> Happy New Year po.
> God bless!
>
>