Isang Pasasalamat - QL Filex Family
Ako po ay nagpapasalamat sa mga kapamilya ko dito sa Qatar Living FilEx mula sa Manager at Admins, sa inyong suporta at mga komento sa aking tulang "Dakila ka aking Ina", isa pong karangalan para sa akin ang mailathala ang nagawa kong tula sa GMA NewsTV Pinoy Abroad, Kwentong Kapuso, muli po nating tunghayan ang tula...
"Dakila ka aking ina"
Bakit ba hanggang ngayo'y wala ka pa?
Sabi mo'y sandali lang, ngunit mag-iisang taon na;
Sa langit, panay nakatingala,
Nag-aabang at nakatunganga.
Hinahanap-hanap ko ang iyong pagkawala,
Lagi na lang tanong, kung saan ka nagpunta;
Hinahanap-hanap ang iyong kalinga,
Palaging nagmamaktol, kasi hindi ikaw kasama.
Sa pagtulog ko, halik na lang ni lola,
Ang nakapagpapatila, ng aking mga luha;
Sa tuwing mamasdan, larawan mo sa tuwina,
Katabi sa pagtulog, nasa ilalim ng punda.
Sa mga kalaro, ikaw ang aking bida,
Kahit na kasama nila, ang kanilang ina;
Maging sa eskwela, ay tinatanong ka,
Kung kailan magbabalik, kanilang amiga.
Dakila ka, Oh aking Ina,
Naiwan ako dito, iba ang iyong alaga;
Anuman sa iyo'y kanilang hinuhusga,
Dahil trabaho mo, sa kanila'y aba,
Medalya ko, pagdating mo, ay ibabandila.
-----------------------------------------
Mabuhay ka! Kabayan kong Filipina,
Sana sa tula kong ito, dagli kang guminhawa;
Nadarama ko, ang iyong pangungulila,
May awa ang Diyos, muli kayo'y magsasama-sama.
-----------------------------------------
... at sa iyo Mahal naming Ina, saan ka mang sulok ng mundo
... na patuloy na nagsisikap at nakikibaka para sa amin
... damhin mo ang aming mahigpit na yakap
... at tibok ng puso na nagsasabing
... "Dakila ka aking Ina"
Silipin po natin sa GMA NewsTV-Pinoy Abroad-Kwentong Kapuso