Kabayan Applicant
Kanina, nag-entertain ako ng isang babaeng kabayan na aplikante na sinamahan ng dalawang lalakeng kabayan. Yung babae umupo sa harap ko at ewan ko ba kung high blood lang ako ngayong araw or talagang walang modo ang aplikante na ito. Una, casual lang sumagot sa mga tanong ko as in nung tinanong ko kung anong salary expectation nya, ang sagot ay bahala na, basta mabubuhay daw 2 anak nya at 2 kabet. Okay, cguro joke lang yun but ang akin lang ay aplikante sya at nung time na yun, ininterview sya. Definitely, the answer was out of line. Pangalawa, walang kagatol-gatol na nanghingi ng bond paper. Okay lang kung sinabi nya in a polite way pero nanghingi sya na para bang kasamahan ko sya sa trabaho. Pangatlo, habang tinanong ko sya about her experiences, tipid na tipid ang sagot na para bang telegrama, may bayad kada words.
Ano ba?! Reminder po sa lahat: When applying, put your best foot forward! Ang pag-aaply ay pagma-market sa sarili. Just because kabayan nyo ang kaharap nyo, kalimutan nyo na lang ang pagiging propesyonal. Paano kayo seseryosohin niyan?
Ako mismo hindi ko maisip na ibigay ko ang CV ng babaeng yun sa mga kliyente at baka mapahiya lang ako. At puede ba kung may mga kasama kayo, pakisabing umupo sila sa guests' area, hindi yung pati sila sumasagot sa tanong ng interviewer. Hayyyz.... makainom nga ng tubig...