Kabayan, First time mo... Bomoto???
Share nyo naman yung na experience nyo nung First time nyo bomoto... Kasi ako, napilitan bomoto kasi yung lolo ko ay tatakbong konsehal sa lungsod namin. Sabi ng Nanay ko, sa list daw ng konsehal sa Lungsod namin ay pangalan lang daw ng lolo ko ang isulat. Nagtanong ako kung bakit siya lang at hindi ang buong partido. Pinagalitan pa ako at wag na daw madami pang tanong. So no choice ako kundi sundin ang magulang ko. Sa kalaunan, pinaliwanag din ng nanay yung rason kung bakit si lolo lang ang ilista sa balota. Dahil yung ibang mga angkan ng kapartido ng lolo ko ay ganun din ang ginagawa upang mapadami ang boto ng kandidato nila.. Kakalungkot Kasi yung karapatan kong pumili ng kandidatong iboboto ay nawala..Since that day, nawalan na ako ng ganang mag vote ulit sa election...