Kabayang Maysakit : Part ?
Magandang Umaga!
Ito po ay patungkol pa rin ka Kuya Renato, si kabayang maysakit ngunit sa pagkakataong ito ay di po ito tungkol sa kanyang karamdaman kundi isang makasaysayang kaganapan.
Nakaraang Huwebes ay naghandog ang filex group, kasama ng mga nurse ng Rumeillah hospital na pinamumunuan ni dancing_kwin, isang sorpresang birthday asalto para kay Kuya Renato. Gaya ng ibang selebrasyon di mawawala ang lafang, faceturan, baloons, party hats, gifts at cake...yes nag blow-the-lighter sya (senxa na walang candle) while we sing happy birthday.
Tunay pong napakasaya nya ng mga oras na yon, kaya naman lubos-lubos, maya't-maya ang bigkas nya ng pasasalamat. Ganun din ng apat pa nyang kasamahang pinoy sa kanilang munting kanlungan.
Sa mga nurses ng Rumeillah, di ko na po babanggitin ang mga pangalan nyo ..dahil...di naman po tayo nagkakilanlan ngunit dahil nag-EB nag palitan ng mga ngiti at balitaktakan ay naging cool ang pagtitipon pagkat may-iisang mithiin, ang makatulong at makapagpasaya. Salamat, mabuhay kayo.
At dahil sa atin,sa inyo,ang tanging nasambit ni Kuya bilang ganti ay
" kakayanin ko ang lahat ng ito para sa inyong lahat na nagmamahal sa akin ".
Salamat.