Kawawa naman si Amba Relacion!
Ngayong marami ang donation drive para sa mga biktima ni Ondoy madaming mga donors sa iba't-ibang samahan ay ayaw ipadaan sa Embassy ang tulong. Karamihan sa kanila ay diretso na sa gusto nilang agency (kapuso, kapamilya, red cross, veritas, etc...)
Nung tanungin ko, lahat sila ay walang tiwala sa embassy.
Malaki at marami ang kailangang gawin ni Amba Relacion para maibalik ang nawalang tiwala ng Pinoy Community dito sa Qatar sa embahada dahil na rin sa kapabayaan ng nakaraang mga Amba.
Hindi naman maganda na puro batikos. Kailangan may suggestion din tayo para matulungan siya. Hindi naman kailangan na bongga ang mga gawin niya. Maganda nga yung simple lang pero malaki ang IMPACT na may pagbabago nga sa Embassy.
Ito ang mga suggestion ko ke Amba para unti-unti nyang maibalik ang tiwala ng mga Pinoy sa embahada:
1. Gawing libre ang photocopy service sa Embassy.
2. Ipa-ayos ang CR sa embassy at ihiwalay ang CR ng babae sa CR ng lalaki. Hindi yung unisex na ang panghi.
3. Atasan niya ang POLO/OWWA na ibalik sa daily ang schedule ng pagkuha ng OEC.
4. Isailalim sa customer service training ang mga embassy staff lalu na yung humaharap sa mga OFW para maalis ang impresyon na suplado sila sa personal.
5. Ibaba niya ang fees sa attestation ng mga Dokumento.
6. Siguro Once a month may bisitahin ang embassy staff na lugar outside Doha na ang purpose ay para sa passport renewal at document attestation (parang Embassy on Wheels). Para di na kailangang bumiyahe pa ng Doha ang iba nating kabayan na tinitipid ang sahod nila.
Simple lang yan Amba pero sabi ko nga BIG IMPACT para unti-unti maibalik ang tiwala ng mga Pinoy sa ating embahada. Para next time na may activity ang Embassy ay full support ang mga Pinoy sa inyo at walang pagdududa.