kulit jokes
Gabi ng Lagim
Isang gabi sumakay ako ng jeep,
lahat ng pasahero nakatitig sa akin.
Walang umiimik,
sinubukan kong magbayad pero hindi nila inabot ang pera ko.
Kinilabutan ako.
Nang biglang may isang matandang bumulong sa akin,
"Umalis ka na habang kaya mo pa."
Napalunok ako ... "Ano ibig nyo sabihin?"
"Inarkila NAMIn TO CHUNGA!!"
____________________________________
4 x 4..
Pinarada ng isang lalaki ang kanyang 4x4 na saksakyan sa isang squater's area. May mga tambay sa squater's area na yun at nakita ang markang 4x4 sa sasakyan ng lalaki at sinabing "oi pare tingnan nyo oh, bobo ng may are nito 4 times 4 lang d pa alam", sabay kuha ng bato at sulat ng "=16" sa tabi ng 4x4. Maya maya pagdating ng may ari nagulat siya "ay pota cnu kya nag gasgas nito?!?! loko un ah". Pinaayos nya agad ito..
Sumunod na araw... Pumarada siya ulit sa lugar na yun at nakita na naman ng mga tambay at sinabing "anu ba to? d n natuto! ang bobo talga ng may ari nitong sasakyan n to 4times 4 lang eh" sabay kuha ulit ng bato sabay sulat ng "=16"... Pag balik ng may ari, "huwalanghiya!! ginasgasan n naman!?!".. Dinala nya ulit ito sa pagawaan pero this time pinalagyan nya na ng "=16" sabay sabi sa sarili "yan cgurdo di na lalagyan ng '=16' to, hehe"...
Sumunod na araw ulet... Pumarada ulit siya sa lugar na yun. Nakita n naman ng mga tambay ang sasakyan sabay sabi ng "aba~ aba~ ang galing ah, mukang natuto na ang may ari nito ah", kumuha ng bato ang tambay sabay lagay ng tsek sa sasakyan....
____________________________________
BATA: dad, sabi ng genie bibigyan daw niya ako ng isang wish.
DAD: wow. sabihin mo, sana manalo ang tatay mo sa lotto bukas!
The next day, nanalo ng lotto ang driver nila.
____________________________________
Ate ate..
Bata: ate pag wla k bang tenga maghihikaw ka?
Ate: syempre hindi.
Bata: eh pag wala ka bang daliri magsisingsing kb?
Ate: syempre hndi din
Bata: eh bkt ka nagbabara??
Ate: pak**
__________________
Trip trip lang
Killer: Father mangungum-pisal po ako.
Father: Ano ang kasalanan mo?
Killer: Pumatay po ako ng 20 tao.
Father: Bakit?
Killer: Kasi po naniniwala sila sa Diyos! Kayo po naniniwala ba?
Father: Dati...pero ngayon trip trip na lang!
__________________