Lindol sa Qatar... kakayanin kaya?
Kagabi... around 10pm nakaramdam ako ng unusual movement habang nakaupo sa sofa sa aming sala. kinabog ang dibdib ko dahil pakiramdam ko talaga ay lindol iyon. palibhasa'y mag-isa lang ako kaya ramdam na ramdam ko ang paggalaw. maigsing segundo lang naman. nakiramdam ako at pinagmasdan ang paligid ng bahay. wala naman ibang gumalaw kundi ang sofa na aking kinuupuan. kaya inisip ko na lang na baka ang baby ko lang un nagta-tumbling na naman.
ngayon na nag-open ako ng QL, nasa main page ang question about earthquake. im not the only one who felt that shaking. shocks! naisip ko pano nga kung lumindol at kung malakas ito. nasa 11th floor pa mandin ang flat ko. so scarry :-S
kayo, nakaramdam din ba kayo ng paggalaw ng paligid kagabi? pano nga kung lumindol dito sa qatar? kayanin kaya ng mga infrastructures dito?