Magnanakaw!
Isang araw pagpasok mo sa trabaho ,napansin mo na nawawala ang pera na inipon mo nanakasilid sa isang maliit electronic device na may cover at tanda mo na inilagay mo iyon sa drawer mo?
nagtanong ka sa mga kasamahan at ipinarating sa boss ang pangyayari.
May mga nagsabi na gawa gawa mo lang yon.
At gumawa ng action ang boss na pagdinahanap ay babayaran ng buong staff ang buong hala ng pera na nawala(QR1000) at papaimbestigahan pa..
May mag nagalit dahil sa ginawa mo.
Pero, ilang sandali pa ay nahanap yung nawawala na nakalagay sa isang drawer na una mo ng tiningnan pero wala kang nakita.
Buti na lang at nakita kasi yung pera ay ipapadala mo sa pamilya mo sa pinas.
Hayy,hirap na ngang kumita ng pera ,mananakaw pa .Kaya kayo ,ingat ingat sa trabaho at wag na magdadala ng malaking halaga.
Sa hirap ng buhay daming taong gumagawa ng di maganda.At sa hirap din ng buhay ay walang gustong staff na magbayad sa nawawalang pera.
kung ikaw kaya ang mga kaopisina ,mag aambag ka ba para malikom yung halagang nawala or magagalit ka dun sa nawalan at sisihin pa ito?
True story po ito .