Mga Kabayan..ako po ay nangangailangan ng inyong opinyon...
This coming 3rd of November po ay magtatatlong buwan na ako sa Doha under family visit visa..naghahanap sana ako ng mainam inam na trabaho dito..nagkaron ako ng offer kya lang ay 5500 lamang ang sweldo inclusive na lahat lahat..ako po ay CPA at mayron na ding six years experience sa aking propesyon..pero ala pa akong experience sa gcc at first time kong sumubok sa labas ng Pilipinas. Pag tinangap ko na ung 5500, kaylangan akong maging under company sponsorship pero sabi ng mga kabayan din na nakilala ko..hindi nagbibigay ung company ng release if ever na makakita pa ako ng mas mainam na oportunidad..ang sabi nang asawa ko ay maghintay pa ako ng unti pero ang tagal ko ng naghihintay..sinabi din nya na mas mainam kung under husband sponsorship kaysa company..Fair na ba ang 5500 at tangapin ko na ito o maghintay hintay pa ako..Pasensya na po..malaki pong tulong ang inyong opinion...maraming salamat ng madami mga kabayan..