MMK-Blusa
Napanood nyo ba itong episode ng Maalaala Mo Kaya nung Saturday? Istorya ito ng isang Summa Cum Laude Graduate of UP Los Banos na naloka dahil sa mga naging kasawian sa buhay.Nahirapan syang makahanap ng trabaho and in the end ay naging dancer na lang sya sa isang kabaret.
Marami syang pangarap sa buhay lalo na sa pamilya kaya lang ay di natupad kaya ayun bumigay ang katinuan nya.
Nang mapanood ko ito ang daming katanungan ang sumagi sa isip ko.Bakit nga ba di sya nakakuha ng maayos na trabaho? ano kaya ang mga dahilan? Matalino naman siya.Kulang ba sya sa diskarte or masyado lang bumilib sa sarili? Sumobra kaya ang expectation ng pamilya nya kaya di nya nakayanan ang lahat ng di sya magtagumpay?Dahil kaya sa sobrang aral kaya di sya na ka cope up sa realidad ng buhay?