NAPAPAGOD KA NA NGA BA?
Napapagod ka na nga ba sa iyong buhay?
May mga sandaling isip mo'y gulong gulo.
Kaibigan nais kong iyong malaman, may Diyos na puwede mong malapitan.
Anumang kalagayan ang iyong sinusuong, huwag kang matakot lumapit kay Hesus.
Lahat halos ng paraan ay ginawa mo, upang kalungkuta'y
maibsan. Hanggang ngayon hindi ka maligaya, kahit pa ang lahat ng nais mo'y nakamtan.
Ang hinahanap mong tunay na kapayapaan, kay Hesus kay Hesus makakamtan.
Mahal ka ng Diyos, at Siya'y naghihintay.
Kumakatok sya sa pintuan ng iyong puso. Huwag mong sayangin ang oras, at pagkakataon.
Nais ni Hesus ika'y maligtas/maglingkod (John 3:16)
Mahal ka ng DIYOS' :)
Di po aksidente na nabasa nyo ang isang awitin na ito, huwag kang magalinlangang tanggapin ang Panginoon Hesus bilang sarili mong Tagapagligtas. Nasa iyo ngayon ang desisyon kaibigan :)