Naramdaman nyo na ba ito???
Sa Middle East tau ha, wag ng lalayo...pls? :)
Sabi ng karamihan mas masarap pa daw ka-trabaho ang ibang lahi kesa kapwa mo Pilipino.
Tapos mas masarap pa daw maging amo ang ibang lahi kesa kapwa mo pilipino. Totoo ba ito?
Bakit me mga ganitong mentalidad, eh di ba dapat kabayan...mas ok kesa ibang lahi?
Naka-chat ko lang ung dati kong officemate (lalaki) sa Riyadh, masaya daw sya ngaun sa bago nyang trabaho na sya lang ang pilipino sa opisina...halos one year na daw sya ngaun at so far hassle free naman...
Oo nga naman, kung sa dati naming opisina...sus grabe ang ingitan, sipsipan, silipan ng sweldo...ay lahat na ata!
0 comments