Nasaan na kaya sila?
way back year 2004 ng dumating ako dito sa qatar. naalala ko pa noon yung mga pinoy na nakakasalubong ko sa souq. nasaan na kaya sila? yung mga pinoy na kapag nakasalubong mo ay babatiin ka ng " kabayan " kahit hindi ka kakilala. feeling ko safe na safe ako at marami akong kaibigan dito sa bansang qatar kahit na baguhan lang ako dito. halos lahat ng makasalubong ko binabati ako ng "kabayan". Ngayon wala na sila. iba na ang salubong ng mga pioy sayo. tatanungin ka kung kailangan mo ng masasakyan. (service kumbaga). nang dumami ang pinoy dito, nawala na yung mga katulad ng mga dating pinoy na palabati. parang lalong nagkaroon ng GAP ang mga pinoy. ni hindi makabati. teka, ikaw ba? bumabati ka ba sa iilang pinoy na nakakasalubong mo? nasaan na kayo?!