New Procedures in Visa Stamping and new Rates ng WWW Express here in Manila
Para po sa kaalaman ng lahat...
May bago pong procedure para maka pag pa stamp ng Visa ng Qatar dito sa Pinas. Kanina lang po nila inumpisahan, ang NBI Clearance (Green Color) ay dapat na pong ipa Authenticate sa DFA (Old Bldg.) sa normal na transaction aabutin ng 4 na araw Php 100 ang bayad, sa mga nagmamadali naman Expedite 1 working day lang po (kinabukasan na makuha) Php 200, kailangan na pong Authenticated ito then saka pa lang pwede ipadala sa Qatar Embassy dito sa Pinas kasama ang ibang mga dokumento eg: Orig. Passport, Medical REsults, Visa Copy. ang bago nang Rate ng WWW Express ay Php 3,350 / 5 working days before kase Php 2,500 lang.
Ito po ay para sa inyong kaalaman.
Mabuhay Filipino Expats in Qatar!