Noli Me Tangere, Touch Me Not

fRanCisM
By fRanCisM

Huwag mo akong salingin, aking sinisinta,
Adhikain mo't naisin ko ay iisa,
Na ang tanging layunin ay magkaroon ng hustisya.

Noong ika'y si Crisostomo Ibarra pa,
Naging gabay ko ang iyong mga adhika
Dahil sa tadhana naging mapusok ka,
Pagkatao'y nagbago, sa ikalawang kabanata
Crisostomo'y pinalitan at ngalan mo'y katunog na.

Kung bibigkasin sa wikang banyaga
Mga kawikaan ikaw ang may akda.
Sa taas ng iyong IQ, napagtanto mo na
Ang aking tinutukoy, ikaw ay ikaw nga.

Pakabilisan ang iyong patutsada
Habang si Arnold Schwarzenegger na taga bura
ay kasama ni Ina Magentang pumunta sa Engkantasya

Pagkakataon mo na para ilathala
Sama ng loob, kimkim mong matagal na
Dalian mo lamang at baka magbalik siya
Pagkawala ng iyong akda, hindi ako ang may sala.

Respeto sa iyo hindi nawawala
Paggalang sa'yo bilang nakatatanda
Adhikain nati'y tunay na iisa
Tanging layunin ay magkaroon ng hustisya.

Isa lamang paalala bago ilathala
fRanCisM po ang tunay na may akda
Upang hindi matulad, kay Estong na dakila
Ginamit ng iba nang walang babala.

Huwag mong masamain, aking pagpapakumbaba
Bagkus bulaybulayin ang mga talata.

Kung iyong mamarapatin, dinggin aking layunin
Sa sinulid na ito iyong basahin
"from QL what are you expecting?"

Ako ay nabigla, pagpindot ng Recent Posts ako'y natulala
Maling araw ang aking akda,
Baka mahalagang araw nya
Ako ang makasira.

Isang pakiusap Inang Magenta,
Magliwaliw ka muna, doon sa Engkantasya
Bukas sana'y kanyang mapuna,
Sa aking sinulid siya ang bida
Mga comment nya ay huwag sanang mabura
Upang ang lahat, sila ay makabasa.

Tatess sa iyong hula nagkakamali ka,
Sa aking bida, sa kanya nagmula, si Ina Magenta

Si Arnold Schwarzenegger,
sa komento mo ay ERASER
magkasunod mong comment,
kanya agad dini - delete.

Sa sinulid na ito, ikaw ang tanging bida,
Lahat ng komento mo, ay hindi mabubura.
Kaya't ilahad mo na, ang iyong agenda.
Upang ako naman, ay maliwanagan na.

Sinulid kong SALAH, iyong inalimura,
Munti mong kahilinga'y winalang bahala,
Ngunit paggalang ko sa iyo ay hindi nawala.
http://www.qatarliving.com/node/501334

Pati luma kong akda, iyo ring pinuna.
Orihinal na sampu, gusto mo'y gawing labing isa.
http://www.qatarliving.com/node/518707

Kung sa admin, ikaw ay may galit
Sana ako nama'y huwag mo nang idawit
Sapagkat sa kanila'y hindi ako malapît.

Momentum ko sa paglikha, dagling nawawala
Angkin kong kasiglaha'y naglahong parang bula

Huwag ka na raw pansinin, mula sa kaibigang matalik,
Hahaha, berde ang iyong isip, hindi ko siya katalik
Ngunit promise masarap syang humalik
Nakakatulala at nakakatahimik

Aking sinisinta, huwag sanang malito
Layunin ko'y impormasyon sa kapwa Pilipino
Ikaw ay akin lamang talagang sinusuyo
Magiging makulit at hihilingin sa iyo
Huwag akong salingin, inuulit ko.

What I am asking, where is my justice?
It was you who has written, in 3:16 ECCLESIASTES

Ngayo'y napagtanto na, kahit hindi ka nakasalamuha
Kung ano ba talaga, sa sinulid ko ang iyong agenda,
Ipagpaumanhin mo at ako'y naging isang hangal
Ganun pala nangyari sa miting ng mga Heneral.

BOW!

Log in or register to post comments

More from Qatar Living

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Let's dive into the best beaches in Qatar, where you can have a blast with water activities, sports and all around fun times.
Most Useful Apps In Qatar - Part Two

Most Useful Apps In Qatar - Part Two

This guide brings you the top apps that will simplify the use of government services in Qatar.
Most Useful Apps In Qatar - Part One

Most Useful Apps In Qatar - Part One

this guide presents the top must-have Qatar-based apps to help you navigate, dine, explore, access government services, and more in the country.
Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Qatar's winter months are brimming with unmissable experiences, from the AFC Asian Cup 2023 to the World Aquatics Championships Doha 2024 and a variety of outdoor adventures and cultural delights.
7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

Stuck with a week-long holiday and bored kids? We've got a one week activity plan for fun, learning, and lasting memories.
Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Fasten your seatbelts and get ready for a sweet escape into the world of budget-friendly Mango Sticky Rice that's sure to satisfy both your cravings and your budget!
Places to enjoy Mango Sticky Rice in  high-end elegance

Places to enjoy Mango Sticky Rice in high-end elegance

Delve into a world of culinary luxury as we explore the upmarket hotels and fine dining restaurants serving exquisite Mango Sticky Rice.
Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Celebrate World Vegan Day with our list of vegan food outlets offering an array of delectable options, spanning from colorful salads to savory shawarma and indulgent desserts.