Nuclear Power Plant
Ilang buwan bago ang nangyaring lindol sa Japan may nabasa ako na humihingi ng 100M pesos na budget ang DoE para pag-aralan muli ang posibleng pagkakaroon ng Nuclear Power Plant sa Pilipinas at kung matutuloy ang target nila ay by 2025 meron na nito sa atin. Pati ang posibleng pagsasaayos ng gusaling ipinatayo ni Marcos sa halagang $2.3 bilyon sa Bataan ay may nagsasang-ayon din. Kahit may peligrong idudulot dahilan nila ay madagdagan ang supply ng kuryente at pumasok ang mga foreign investor.
Sa tingin nyo?
Ang di nagamit na Bataan Nuclear Power Plant na kada araw ay binabayaran ng Pilipinas ng $155,000 na interest.
Bangui Windmills sa Ilocos Norte (sana maraming ganito)
photo credits to lakwatsero.com