OFW.. Makabagong Bayani Nga Ba?...
Hangad ang hangarin na magkaroon ng isang magandang kinabukasan, napag desisyunan mong mamasukan sa ibang bansa, sa iyong isipan ay dakilang misyon na matupad ang munting pangarap at umalis sa sariling bansa na may nadaramang kalungkutan; nakilala ka sa iyong husay, sipag at tiyaga na likas na katangian ng isang filipino, katangiang nagbibigay karangalan at respeto.
At sa mga katangiang ito nasasalamin ang ugali at kakayahan ng mga filipino, na siyang malaking dahilan kaya marami sa atin ang madaling makapag-trabaho sa ibat ibang bansa, masipag, matiyaga, matatag ang loob at kayang harapin ang anumang pagsubok, titiisin ang hirap na mapahiwalay sa mga mahal sa buhay sa matagal na panahon at titiisin ang lungkot at pananabik sa iyong tahanan, pananabik na makapiling ang iyong buong pamilya at mga kaibigan. Sa ipinadadala mong remittance sa pilipinas di lamang kaginhawahan ang iyong naidudulot sa iyong buong pamilya, kundi napapatatag mo rin ang ekonomiya ng iyong sariling bansa.
Kung noong mga nakaraan panahon ay may dakila tayong bayani na matapang na humarap sa mga dayuhan, ikaw ba sa pang kasalukuyang panahon na nakilala sa katapangang harapin ang ano mang mga pagsubok ng may katatagan ng loob at paninindigan ay maituturing ba na tunay na makabagong bayani? Ano ang iyong palagay?