OFW- Mayaman , Nagmamayaman o Puro Kayabangan
Isa rin akong OFW but I don’t blog about it.Wala kasi akong maisip na topic probably dahil di ko naman naging problema mga kamag anak ko sa Pilipinas,kumbaga,walang mga pasaway at nakatanghod buwan buwan sa sweldo ko , swerte di ba? Kung gaano kadami ang OFW ay ganun din kadami ang mga nagrereklamo base sa personal na kwento, mga blog ,articles at kung anu ano pang pwedeng pagkwentuhan. Kesyo mga kamag anak sa Pilipinas ,wala ng ginawa kundi mag abang ng padala, pati yata si kumpare nakikinabang na rin . Kapapadala pa lang ,humihingi na ulit ,kasi si pamangkin nakabuntis at kailangan ng pera pampakasal, berdey ni kuya, kakahiya namang di magpainom sa tropa,si pinsan nangungutang ng pambayad sa upa sa bahay kasi limang buwan ng di nakakabayad at kung anu ano pa. Ikaw naman ,sige lang ,okay lang,padala halos buong sweldo.Katwiran mo “pamilya ko naman ,kaya nga ako nagtatrabaho para sa kanila”. Feeling tuloy nila pinupulot lang natin ang pera dito. Kaya wag ng magtaka kung bakit di ka makaipon dahil sa dami ng pinapadalhan mo.Dagdag padala dagdag obligasyon.pero sabi mo nga happy ka naman ,pero happy ka nga ba? Ilang taon ka na ba sa abroad ,mahigit 10 taon?before you know it ,panot ka na pala at biglang natanggal sa trabaho , me naipon ka na ba ? may bahay ka na bang mauuwian sa Pinas? Oo,ngayon masaya kayo,pero hanggang kailan?for sure babalik at babalik ka rin sa Pinas pagdating ng araw. Sana may mauuwian kang sariling bahay o sapat na ipon.Dahil panigurado ako pag naubos ang ipon , wala kang maasahan sa mga kamag anak mo. Marami sa abroad ,mahigit 20 taon na pero puro yabang lang ang ipon, inuuna kasi pagrerelax dahil ,mahirap daw magtrabaho sa mainit na disyerto ,tama nga naman ,magrelax tuwing bakasyon ,walang masama lalo na at di mo inuutang at ikaw ang gumagastos ,may katwiran. Pero taun taon mo ng ginagawa yan ,di ka na ba nagsasawa .continue reading here ..