OFW Savings and Tipid Tips
“Hindi habang buhay OFW ka, mag-uwi ka kahit piso para sa iyo.”
Sambit ito ng aking tatay anim na taon na bago ako pumadpad dito sa Doha. Sino ba naman ang di makakapag-uwi ng kahit piso pero may mas malalim pala na kahulugan ang payo na iyon. Kayo gaano ninyo pinapahalagahan ang perang inyong kinikita may inilalaan ba kayo sa araw na wala na kayo sa dayuhang-lupain, napupunta lang ba sa mga materyales o sa mga Kamag-anak Inc.
Sa mga hijacker dyan pati na mga read-modes baka may mai-share kayo regarding sa savings at investment ninyo. Mauuna na ako dagdagan nyo na lang base sa mga experiences ninyo.
1. Time Deposit
Kumpara sa ordinary savings account na talaga namang mababa ang interest we put some of our savings thru time deposit since yearly naman o minsan every two years ang uwi ko.
Fo some infos of fellow Qlers regarding time deposits click here.
2. Treasury Bonds
Last April 21 nag-issue ng $500 million worth of retail bonds ang Bangko Sentral ng Pilipinas at 20% doon ay nakalaan para sa mga OFW na gustong bumili dito. Ang isang advantage nito kumpara sa time deposit ito ay tax exempt para sa mga OFW. Pwedeng mga immediate relatives ninyo ang pumunta sa mga accredited banks para mag-inquire pero di ako sigurado kung meron pa ngayon.
3. Bye bye credit card
Kahit ako kaskas dito, kaskas doon sa loob ng apat na taon. Nag-apply ako ng credit card para may back-up pang-tuition ng kapatid ko noon at ng makatapos na siya graduate na rin ako sa credit card.
4. Alkansiya
Since bata pa nakahiligan ko na ang mag-alkansiya mula sa kawayan nabigay sa akin ng lolo ko noon hangang sa tissue box na gamit ko ngayon. Minsan naghuhulog ako ng 50, 10, 5 at pati 1 riyal yearly ko binubuksan at itinatapat sa aking b-day. Last month naka QR1,417 ako.