Opinion Kabayan...
Below is the current situation of my friend. Pakiusap po na ishare nyo po sa akin ang inyong mga opinyon ng aking maipabasa sa kanya.
Siya po ay under sa personal sponsorship ng isang LOKAL na binabayaran ng kanyang pilipinong amo para isponsoran siya. Makalipas ang isang taon ng maiexpire ang kanyang visa, tinawagan sila ng nasabing tao para humingi muli ng bayad at para sa renew. Noong una ay nagatubili ang amo na bayaran dahl ang unang bayad na 5k ay pra sa 3 taon na sponsorship. Pero dahil sa pangangailangan ng kasambahay nagbayad uli sila ng pera para matapos na lang ang usapan. Kinuha ng LOKAL ang pasaporte at ID ni kabayan dahil irerenew ang visa. Pero makalipas ang isang linggo ichineck nila sa moi.gov.qa at ID CANCELLED ang status. Halos isang buwan na balik balik ang kanyang amo sa Deportation para icheck kung nandun ang passport o ginawan ba siya ng problema noong LOKAL. Pero wala, tintawagan na din ng CID si LOKAL pero dn pa din sumasagot.
Ang iniisip ay kung huminge na lang ng travel document sa embahada pra makauwi na siya pero dahil lumagpas n ng 7 days ay kailangan kumuha ng exit galing sa LOKAL. At ang lokal ay ndi na sumsagot ng telepono. sinuggest din pla sa deportation na gumawa ng sulat na humihinge ng tulong pra isauli ang passport pero nais nila na ilagay na bumili sila ng visa sa LOKAL, na sa tingin ko e makakpgpabigat sa kaso dahil bawal ang bumili ng visa di ba..
Pakitulungan naman po siya gamit ang inyong opinyon at suhestyon.
Maraming Salamat