Pag iniwan ka ng mahal mo, Ito kaya ang sasabihin mo?
May narinig lang akong lumang kanta and sInce mainit na napaguusapan ang LETTING GO OR SETTING YOUR LOVE ONE FREE... Nagsearch ako for its lyrics at naisip kong ipost dahil maging ganito kaya ang maibubulalas mo sa iyong mga bibig o maging ganito kaya ang pakiramdam mo pagkatapos kang iwan ng mahal mo?
Huwag Ka Nang Magbabalik
No'ng ako ay iwan mo, gumunaw ang daigdig
Pagka't tanging sa 'yo lamang ang aking pag-ibig
Ngunit sa pagdaan, sa paglipas ng taon
Ang pusong sugatan sa wakas ay naghilom
'Wag mo sanang biglain sa iyong pagbabalik
Ang idlip na damdamin, ang puso kong natinik
Ang tamis ng pagsinta at init ng halik
Ang ibig madama, 'di man umiimik
Pakiusap ko sa 'yo'y huwag ka nang magbabalik
'Pagkat itong puso ko ay sa 'yo pa rin nasasabik
Kung saka-sakali man, akin nang nababatid
Sa 'yo'y mahuhulog lang kaya't huwag na huwag ka nang magbabalik
'Di ko kayang pigilin ang sigaw nitong damdamin
Labis man akong sinaktan, ikaw pa rin ang aking mahal, hoh