Pagkuha ng Kasambahay mula sa Pinas
Nagpunta po ako kanina sa POLO para ayusin sana ang maternity claim ko sa SSS. Dumaan na rin ako sa loob para mag-inquire kung may pagbabago ba sa patakaran sa pagkuha ng mga Manggagawang Pinoy mula sa Pinas. Laking tuwa ko po ng malaman kong ang dating Agency-to-Agency hiring ay pwede ng direct to Phil. Agency. Sa makatuwid, kung kakilala naman natin ang kukunin natin kasambahay hindi na tayo mapipilitang padaanin ito sa Qatar Agency. Maliligtas na tayo sa pagbabayad ng hindi bababa sa QAR6,500 agency fee.
Tamang-tama, hindi ko pa naipapasa sa Qatar agency ang papeles ng nanny namin. Direkta ko na pong ipapa-process sa agency sa Pinas ang mga papeles namin. Eto po ang mga requirement na dapat ihanda sa pagkuha ng kasambahay:
CHECKLIST OF REQUIREMENTS for Hiring of Household Service Worker (HSW) Through Licensed Phil Agency
- Standard Employment Contract for HSW (hindi po ito ung labor contract na ginagawa ng employer na pinapasa sa labor dept for iqama. there is a standard contract na makukuha nyo rin ang kopya sa POLO)
- Special Power of Attorney (sample format is also available at POLO office)
- Copies of:
- HSW's visa
- HSW's passport
- Sponsor's ID
- License of Phil Agency
Malaking tipid po ito para sa mga nagnanais na kumuha ng kasambahay na Pinay. may format po ako ng mga documents. you can pm me if you need.
-------------------------------------------------------------------------
Silent G