Pagpapalit ng status: Single to Married
Bago pa tuluyang ma-hijack ang Health Card thread, minarapat ko ng mag-open ng thread na ito.
Concern ko rin kasi ito. Nag-work ako dito sa Qatar for 5 years under company sponsorship. After getting married, nag-resign ako at nag-exit. Pagbalik ko under husband sponsor na ko using my single name. Hindi pa rin ako nagpapalit ng passport. Pagkapanganak ko balak kong palitan na rin ang passport ko kasabay ng pagkuha ng passport ng baby ko... Which means mababago na ang legal entity ko dito, gagamit na ko ng married name ko.
Tanong: Ano po ang procedure para mapalitan din ang Qatar ID ko at ano ang implication nun sa mga dati kong documents?
0 comments