Pakikisagupa sa Halimaw na "Homesick"
Di na makakain, di pa makatulog, kanta yta yon?
Nasa punto ako ngayon ng pansariling krisis..
Utak ko ay maga na sa kakaisip at kakatanong
Ayaw kong umuwi dahil wala pa akong naipon
Hindi ko naman mailipat ang sponsorship ko
Naiisip ko rin na baka pagkauwi ko di na ako bumalik
Dahil sa naranasan ko dito
Pero paano ko matutupad ang mga pangarap ko sa pamilya ko?
Mahigit isang taon na ako dito
Ngayon ko lang naramdaman ang sobrang pangungulila.
Akala ko noon gawa gawa lang ng mga taong duwag ang "Homesick"
Ito pala ay totoong sakit sa totoong pakahulugan ng salita
Akala ko, ako na ang pinaka matatag na tao..
Pero sa ngayon ako ay parang gulaman sa lambot
Makita ko lang ang mga batang kumakanta sa wowowee
Naluluha ako na para bang pinipiga ang aking puso.
Pero alam ko sa loob loob ko mas mapapasama
kung ako ay magpapatalo sa sakit na ito.
Siguro dala lang ng mga di magagandang karanasan dito
At ang nakasanayan kong pag aaruga sa mga anak ko.
Panganay ko na kay lambing
Bunso ko na kay yabang
Asawa kong mabunganga pero mabait.
Siguro ito ay karaniwan sa mga nahihiwalay
sa mga mahal sa buhay
Kaya pasensya na at isa na namang matamlay
na sa buhay koy kaugnay
Ang aking nailabas at naisampay
sa munti nating bahay(QL expat)