pamamahayag ng kalayaan ng pilipinas....

alyasbobby
By alyasbobby

mga kababayan, muli po nating sariwain o gunitain ang araw ng pamamahayag ng kalayaan ng pilipinas.. balik tanaw lang po tayo, nabasa ko lang po ulit ngayon..
.
.
Ang Pamamahayag ng Kalayaan ng Pilipinas ay ginanap noong Hunyo 12, 1898, kung saan ipinahayag ng mga Pilipinong manghihimagsik sa pamumuno ni Heneral Emilio Aguinaldo (na naging Unang Pangulo ng Pilipinas) ang soberanya at kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya matapos matalo ang mga ito sa labanan sa Look ng Maynila sa Digmaang Espanyol-Amerikano.
.
Ang pamamahayag ay hindi kinilala ng Estados Unidos at Espanya. Pagpapatunay ito nang ilipat ng pamahalaan ng Espanya ang Pilipinas sa Estados Unidos sa Kasunduan sa Paris, para sa halaga ng mga salaping nawala sa digmaan.
.
Kinilala lamang ng Estados Unidos ang kalayaan ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946.
.
Ipinagdiwang ang Araw ng Kalayaan noong Hulyo 4, ngunit dahil sa nasyonalismo at sa payo ng mga dalumhasa ng kasaysayan ng bansa, ang Batas Republika Blg. 4166 ay nilagdaan ni Pangulong Diosdado Macapagal noong 1964, na naglipat ng Araw ng Kalayaan mula sa Hulyo 4 sa Hunyo 12.
.
Bandang ika-lima ng hapon ng Hunyo 12, 1898, ipinahayag ni Don Emilio Aguinaldo, sa harap ng nakararaming sambayanang Pilipino ang Kalayaan ng Pilipinas sa Kawit, Kabite dating Cavite el Viejo. Sa una ring pagkakataon ang unang watawat ng Pilipinas na ginawa sa Hong Kong ni Gng. Marcela Marino Y Agoncillo, (kung saan naging katulong nito sa paggawa ng watawat sina Lorenza Agoncillo at Delfina Herboza) ay siyang iwinagayway ng Ginoong Emilio Aguinaldo sa araw ng pamamahayag ng Kalayaan ng Pilipinas.
.
.
kayo po ba, mayroon po bang magagandang bagay na maari ninyong maipahayag dito patungkol sa araw kalayaan??
.
mabuhay!! mabuhay ang bansang pilipinas...

Log in or register to post comments

More from Qatar Living

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Let's dive into the best beaches in Qatar, where you can have a blast with water activities, sports and all around fun times.
Most Useful Apps In Qatar - Part Two

Most Useful Apps In Qatar - Part Two

This guide brings you the top apps that will simplify the use of government services in Qatar.
Most Useful Apps In Qatar - Part One

Most Useful Apps In Qatar - Part One

this guide presents the top must-have Qatar-based apps to help you navigate, dine, explore, access government services, and more in the country.
Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Qatar's winter months are brimming with unmissable experiences, from the AFC Asian Cup 2023 to the World Aquatics Championships Doha 2024 and a variety of outdoor adventures and cultural delights.
7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

Stuck with a week-long holiday and bored kids? We've got a one week activity plan for fun, learning, and lasting memories.
Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Fasten your seatbelts and get ready for a sweet escape into the world of budget-friendly Mango Sticky Rice that's sure to satisfy both your cravings and your budget!
Places to enjoy Mango Sticky Rice in  high-end elegance

Places to enjoy Mango Sticky Rice in high-end elegance

Delve into a world of culinary luxury as we explore the upmarket hotels and fine dining restaurants serving exquisite Mango Sticky Rice.
Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Celebrate World Vegan Day with our list of vegan food outlets offering an array of delectable options, spanning from colorful salads to savory shawarma and indulgent desserts.