Paputok! (fireworks) Mapanganib na tradisyon
tandang tanda ko pa noong bata pa ako napaka hilig ko sa paputok. pero dahil sa probinsya ako lumaki, piston at kawayang di kalburo lang ang aming kayang paputukin. pero napaka saya at walang peligrong naidudulot sa amin. maliban sa konting pag ka tulig ng pandinig.
ang piston ay ang basyo ng kal.45 na tinalian ng goma na naka kabit sa binalikong pako, lalagyan mo ng pulbura na kung tawagin namin noon ay piston. di ko alam kung bakit iyon ang tawag namin dun.
sa ngayon makabago na ang lahat ng uri ng paputok. pero mapaminsala at mapanganib. sa huling datos ng gobyerno aabot sa libo ang nasugatan sa fireworks related incidents. mataas din ang bilang ng sunog na umabo sa milyong halaga ng ari arian at libo libong pamilya na nawalan ng tirahan. sa kalsada sila nag bagong taon. di pa nga nakaka bangon sa ondoy heto at nasunog naman ang kanilang bahay. tumaas din ang bilang ng namatay dahil sa paputok. pantaboy daw ng malas, pero tila kabaliktaran dahil maraming sakuna ang nararanasan.
matapos ang putukan, a uno ng enero, nabalot ng makapal na usok ang buong metro manila. usok na nakaka lason at masama para sa mga bata at may mga hika. tambak din ang iniwang basura.
kung ikaw ang tatanungin, pwede ba e celebrate ang new year ng walang paputok? kung ikaw ang tatanungin pabor ka ba na i ban ang paputok?
kahanga hanga ang davao city, zero accident dahil ban ang paputok doon.
salamat at nasa Qatar ako,dahil kung nasa pinas baka isa din ako sa naputukan...