"Patas na pamamahayag at patas ng programa"
Kakapanood ko lang TV PATROL ...at pinaguusapan ang tiwala ng mga filipino sa ABSCBN at napakataas ng rating ng network ng istasyon nila
Nabanggit doon ang "Patas na pamamahayag at patas ng programa"
Panay reklamo ng kampo ni Villar kasi di nila kinikilingan ang senador...ngunit hindi ako sumangayon dyan kasi nung magcommercial eh Political ad ni Villar ang bumungad.. maliban kay Villar si Loren legarda at Toots ople lang ang pinalalabas nila na political ads.... laking bagay nga naman nagagawa ng pera....sobra na ang political ads ni Villar...
Minsan nareport nila sa TV patrol na sobra na ang political ads ni villar...at eto kinukunsinte pa din ng ABS CBN thru TFC MIddle east
Tumawag ako sa opisina ng TFC d2 sa Qatar..at ang sabi lang eh magemail na lang kayo sa main website at wala silang magagawa dyan..at pinayuhan na lang ako na wag pansinin ang programang ito... at ma-istress k
a lang daw..
Wala akong pinapanigan na kandidato ..until now undecided pa din ako..
Hindi ako nag subscribe ng TFC para lang manood ng mga political ni VIllar o kahit sino pang kandidato yan..
Sana lang alisin nio na political ads na ito...mismong sa bakuran nila eh meron na panlalamang na nangyayari pero kinukunsinte pa din nila..
Wag tayong magpalinlang sa mga political ads na ito...VOTe WISELY