payo naman po...

dazzle
By dazzle

Maaring marami ang nakabasa sa inyo ng sinulat ko sa isang forum tungkol sa kaopisina ko. Pero gaya ng sabi ko dun, hindi na ko makikiaalam sa kanya. I'll just focus on my own life, my own work.
Pero pano naman kaya ang gagawin ko sa isang under sa akin na napakasarcastic kung makipag-usap?
Here's the complete story...
Ok naman sya dati. Tinuturuan ko pa nga sya sa mga trabaho nya, lalo na at hindi naman pa sya familiar sa mga whereabouts ng construction sa qatar. Architectural Estimator ang trabaho nya sa office namin. Sa Pilipinas daw, AutoCad Operator ang trabaho nya. Ang inoffer sa kanya ay estimator at tinanggap naman nya. Sa madaling salita, hindi sya talaga marunong mag-estimate, lalo na with regards to QSMM or as per Qatar Standard (ako din naman nun, hindi ko alam ang Qatar Standards, pero pinag-aralan ko din pagdating dito, walang choice eh, etong trabaho ko. hehehe). So tinuro ko sa kanya lahat yun. Sinasabi ko po ito para makita nyo kung pano sya nagsimula sa trabaho nya. Sabi nya pa noon, "Salamat daw at pinagtyatyagaan ko sya."
May isa din kaming kasamahan sa M.E.P. naman ang department pero katrabaho din namin... Nagtetender kasi ako. Kumbaga, ako ang team leader pag may tender kami.
Hindi ko naiiwasan minsan na maglabas ng sama ng loob kay Ms. Architectural Estimator sa workmanship nung MEP QS namin. Wherein hindi lang ako ang nakakapansin, yung isang co-tenderer ko din, mejo sablay nga daw magtrabaho. Other than this, ok naman ang pakikisama namin kay MEP QS. Hiwalay ang personal sa trabaho kumbaga.
Last week nagtender ng resignation si MEP QS. una nalaman ni Arch. Estimator. Nung nalaman ko, tinanong ko si Arch. Estimator ng ganito... "Nag-resign na pala si _____ (MEP QS)?" na ang tono po ng salita ko ay just to ask her if alam nya na. sinagot naman nya ko ng "Oo". ang nakapagpainis sa akin ay sinundan ng tanong na "Happy now?"
Hindi po ako agad sumagot, kinalma ko muna talaga ang sarili ko bago ko sya tinanong kung ako ba ang tinatanong nya nun (kasi hindi ko alam kung bakit nya ko tinanong ng ganunZ)... ang blis ng sagot nya ng "oo". huminga muna ko ulit ng mga 10 seconds bago ko sinabi sa kanya na "Should it be a question of happiness sa mga ganung pagkakataon?" Hindi na po sya sumagot.
Nangyari ito nung last Thursday.
Nung pumasok kami ng Saturday, naghintay ako ng pagkakataon na kami lang dalawa sa office namin. Dahil ayoko syang mapahiya o may iba pang makarinig. Ganito ang naging flow ng usapan...
Me: ____, i just have to let this out, kasi mejo hindi ko nagustuhan yung tanong mo sa akin nung thursday, seems not appropriate. Hindi ako masamang tao who would wish something negative for someone. Neither will i be happy for somebody's failure or anything the same whatsoever.
I may be uttering negative words towards him but i have nothing against him personally. Yes, I may be bad, but definitely, I am not evil.
(sinabi ko po yan s pinakamababang boses na posible at hindi sa galit na paraan.)
Hindi po nya ako sinagot.
Maya-maya tinanong ko pa ulit sya...
Me: ____, nagalit ka ba sa sinabi ko? Hindi ako sa yo nagagalit, dun lang sa ginawa mo. (nagulat po ako sa ginawa nya)
Arch. Estimator: (habang nakataas ang isang kamay as a sign of STOP) I dont want to explain to you! (on a very sarcastic voice...) :(
I still managed to say "ok" calmly.

Hindi ko talaga mahanap sa sinabi ko sa kanya ang ikinagagalit nya. She's been continously sarcastic with me nitong mga nakakaraang araw. Hinahayaan ko lang.
Pero ngayon, meron kaming hawak na trabaho na kelangan pagtulungan, i don't know how i will handle her. Natatakot ako na baka isang araw ay sumabog na lang ako at (sakalin) sya. (God, wag Nyo pong pahintulutan.)
She's 4 years younger than me. Sabi ng mga kasamahan ko, wag ko daw masyadong pakitaan ng kabaitan, sinadakin ko na daw at ng matutong sumunod sa mga nakakataas sa kanya. Pero ayoko naman ng ganon. Wag daw akong pumayag na ang isang baguhang gaya nya na halos wala pa naman talagang alam sa trabaho ay gawin sa akin yun.
Honestly, dinedeadma ko na lang sya. "ate" kung tawagin nya ako noon, ngayon "Ms. ____" na ang address nya. Sa akin mas ok sana yun as a sign of respect, pero alam ko na sarcastic ang pagtawag nya na yun.

Pilipitin ko na ba ang leeg mga kabayan?? :p

Log in or register to post comments

More from Qatar Living

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Qatar’s top beaches for water sports thrills

Let's dive into the best beaches in Qatar, where you can have a blast with water activities, sports and all around fun times.
Most Useful Apps In Qatar - Part Two

Most Useful Apps In Qatar - Part Two

This guide brings you the top apps that will simplify the use of government services in Qatar.
Most Useful Apps In Qatar - Part One

Most Useful Apps In Qatar - Part One

this guide presents the top must-have Qatar-based apps to help you navigate, dine, explore, access government services, and more in the country.
Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Winter is coming – Qatar’s seasonal adventures await!

Qatar's winter months are brimming with unmissable experiences, from the AFC Asian Cup 2023 to the World Aquatics Championships Doha 2024 and a variety of outdoor adventures and cultural delights.
7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

7 Days of Fun: One-Week Activity Plan for Kids

Stuck with a week-long holiday and bored kids? We've got a one week activity plan for fun, learning, and lasting memories.
Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Wallet-friendly Mango Sticky Rice restaurants that are delightful on a budget

Fasten your seatbelts and get ready for a sweet escape into the world of budget-friendly Mango Sticky Rice that's sure to satisfy both your cravings and your budget!
Places to enjoy Mango Sticky Rice in  high-end elegance

Places to enjoy Mango Sticky Rice in high-end elegance

Delve into a world of culinary luxury as we explore the upmarket hotels and fine dining restaurants serving exquisite Mango Sticky Rice.
Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Where to celebrate World Vegan Day in Qatar

Celebrate World Vegan Day with our list of vegan food outlets offering an array of delectable options, spanning from colorful salads to savory shawarma and indulgent desserts.