Philippine Embassy & OWWA
Mga Kabayan...
SInubukan ng kaibigan ko na pumunta sa OWWA para magfile ng OEC at doon nakalagay na ang office hours nila ngayon ramadan eh 8:30-2pm. Inagahan na nya ang pagalis sa opisina para lang makaabot kaso sarado nga...
AT dahil sarado na eh naisipan nya na pumunta na lang sa PHilippine embassy para magparehistro for OAV at ganun din sarado na...at mas napaaga...8-1pm lang sila...
Ganito na ba talaga kalala ang serbisyo publiko ng mga ahensyang ito... sa OWWA kahit hindi ramadan eh naging 3 beses na lang sa isang linggo para magfile ng OEC tapos napakahaba ng breaktime nila 11-1:30pm
Hindi naman lahat ng empleyado sa embassy at sa OWWA eh mga Muslim.....kaya dapat tuloy tuloy ang serbisyo nila... hindi ata makatarungan ito...