Pinas after 2 years
Recently umuwi kami for vacation ng pamilya ko. Dun kami nag Pasko at New Year sa Pinas. Marami din ako napansin na pagbabago after 2 years naming nawala sa Pinas:
1. Tuloy pa rin ang extension ng Skyway sa SLEX. Ma-traffic. 2011 pa daw matatapos.
2. Marami nang elevated pedestrian walkway. Yung sa Bicutan Interchange daw ang longest sa Asia.
3. Ang daming malls sa Manila. Kada kanto yata sa EDSA ay may Mall. Ang Cash and Carry eh multilevel Mall na. Sa Mall na yata nakatira ang ibang tao. Kasi sa gabi puno ng tao pati sa umaga marami ring tao kahit tapos na pasko at new year.
4. Dati tambayan ko ang Makati lalo na ang Ayala Malls. Pero ngayon naligaw ako sa dami ng kabit-kabit na Mall from SM supermarket (na ACE Hardware na) to GB 5.
5. Maganda ang SCTEX. Masarap magdaan. Maganda ang view. Mabilis ang biyahe papuntang Tarlac o Subic. Bad trip lang kasi inabot namin yung malaking aksidente (7-car collision) bago mag-New Year dahil sa usok. Buti na lang di kami nadamay. Ilang cars lang kami behind kaya nakita pa namin mga biktima.
6. Usong-uso ang short shorts at plunging neckline sa mga babae. Kaya pala yung mga bagong salta dito eh daring mag-suot. Paalala lang sa kanila: "Qatar ito Qatar!"
7. Ang Subic ay parang teritoryo na ng mga Koreano. Hindi naman natin masisi kasi sila ang may maraming investment dun. Ang mga street names ay may Korean translation. Sana yung mga negosyanteng Pinoy ay dagdagan pa ang investment dun.
8. Di na masyado nagpapaputok. Dati sa amin bago mag Christmas hanggang New Year eh gabi-gabi may nagpapaputok. This year naghintayan ang lahat ng alas-12 tsaka naglabasan ang kakarumpot na paputok.
9. Mas marming gimikan na lugar. Siguro sa trapik kaya naisipan na may gimikan kada may office area.
Madami ang nagbago sa Pinas in 2 years. Siguro sa next na uwi namin mas marami pang bago.