Pinas Western Union: Ubos Cash or Offline
Gusto ko sana ito ibahagi sa mga kabayan na nagpapadala ng pera sa linggong ito. Dahil sarado ang bangko, nagpadala ako sa western union para pang media noche ng pamilya ko at iba bang nakalaan na gastusin sa susunod na buwan.
Nakausap ko sila kanina umaga at ito naging karanasan: halos lahat ng western union outlets ay offline. In short hindi ma-claim ang pinadalang pera. Kung hindi naman offline naubusan ng cash. Napilitan sila tanggapin ang dolyar sa halip ng peso. Pero sa palitan may pera din nalugi.
Sana naman mas maging handa ang western union sa panahon ito kasi lahat ng padalahan ay sa kanila dumadaan. Maraming pamilya sa atin ang na dismaya...
0 comments