Please help... Tulong!
4 months pa lang po ako sa company ko ngaun, delayed na kung magpasahod. Nabigla ako from the start, kami ang pinagbayad ng water & electricity which supposed to be included in our accommodation package. Pangalawa, ung bahay namin dating binabayaran nila ay QR3,000.00 every 1st day or 3rd day of the month (dahil walang advance and deposit na ginawa ang company namin). Last month 19 days delayed ang bayad ng company namin sa flat holder kaya tinawagan ng flat holder namin ung GM namin dahil bakit sobrang delayed. After that conversation, bigla bigla na lang ininform kami ng General Manager na effective December 2007 QR2,000.00 na lang ang ibibigay sa amin ng diretso, eh QR3,000.00 ang usapan nila ng flat holder. We are very much comfortable sa accommodation namin ngaun (ung company namin has nothing to offer new accommodation sabi ikukuha kami but until now wla pa din). Tama ba na kami ang mag assume the QR1,000 difference? Isa pa, supposed to be bayad na ang renta namin nung Dec 3 (para lang may tutuluyan kami kami ang nag advanced ng bayad sa renta) pero hanggang ngaun Dec. 12, 2007, wala pa rin iniaabot sa akin na pambayad kahit na pinaalala ko na kahapon sa GM namin.
Anu po ba ang dapat namin gawin na? Pede ba kaming magseek ng help sa anung institution? Direct hire kami ng kasama ko although ung kasama ko from Dubai ako sa Pinas. I guess di nila kami irerelease (NOC). Pero pede ba itong maging ground to get an automatic release (kung my automatic release)?
Please help.