Pwede ko po bang i-apply ng RP ang misis ko pagdating nya ng Qatar
Magandang umaga po sa lahat sa Fil-Ex
Minabuti ko na lamang pong gumawa ng bagong thread para sa aking katanungan patungkol sa pag-aapply ng RP para sa aking maybahay, dahil sa mga lumang posts po kasi ay sadyang napakaraming information, sabihin pa ang hindi pahuhuling mga nanghi-hijack sa katanungan ng orihinal na may akda, kaya lalong nakakalito.
Matapos ng halos dalawang taon kung pangungumbinsi sa aking maybahay na samahan po nya ako rito sa Qatar ay napapayag ko na po sya, sa katunayan nagresign na po sya sa kanyang trabaho at huling pasok na nya sa ika-23 ng Junyo.
May visit visa na po sya na ini-apply ko sa Airport Visa Office. Balak ko pong ayusin ang RP nya pag nandito na po sya. Napag-alam ko po sa mga post na unextendable daw yung visa na issue ng Airport Visa Office. Gaano po ito ka totoo?
Mga tanong ko po ay ang mga sumuunod;
1. Pwede ko po bang i-apply ang RP ng aking asawa pagdating po nya rito?
2. Passport, Marriage Contract, PRC Certificate ano pa pong kailangan. Ano po yung authentication, Certification, attestation na nababanggit sa ibang post?
3. Salary Certificate, NOC, Bank Statement, ay hindi po magiging problema.
Babakasyon po ako sa June 26 at kasama ko na po pabalik ang misis ko sa July 7. May visit visa na po sya, wala na po kayang magiging handlang sa airport? Manggagaling po kami ng Singapore.
Sana po ay matulungan ninyo po akong malinaw ang aking mga katanungan.
Salamat po....Hihintay ko po ang inyong mga payo....