RA 9679 - PAG IBIG FUND
Mag Kwe kwento muna po ako sa na-experience ko ngayong araw.
Pumunta po ako ng POLO-OWWA para mag apply ng Overseas Employment Certificate (OEC) at 730 am pa lang ay nandun na ko. walang naka paskil sa labas kung anong oras ang bukas nila kaya minabuti ko pong bumaba sa sasakyan at mag tanong sa loob. may sumagot naman po at ang sabi eh 830 am pa daw ang bukas nila. so minabuti ko pong bumalik na lang ulit at gawin ang iba pang dapat gawin para hindi maubos yung oras sa kakaintay. naka balik po ako ng OWWA mga 830 na po at sa aking pag pasok may bago po silang booth/room separate para sa mga mag aapply ng OEC PAG ibig at SSS.(Pag pasok sa gate nasa gawing kaliwa) pumasok po ako sa loob at at may napag tanungang ale. sabi ko gusto ko mag apply ng OEC. binigyan po ako ng form para sa OEC at inabot din kasabay yung form para sa Pag ibig. tinanong ko po kung bakit ako binigyan para sa pag ibig eh OEC lang naman ang inaaplyan ko. MANDATORY na daw at naka saad sa RA 9679. binaliwala ko ang pag kakasabi nya dahil di naman sya ang officer para makasagot sa mga tanong ko. tuloy pa rin po ako ng pag fill up ng form at ang mga tao sa loob ay lahat masama ang loob ng dahil sa RA 9679. ng dumating ang ginang na officer at representative ng Pag ibig may dala syang marami ng OEC at sinabi sa isang kasamahan na "bago mo i release yan eh dapat mag apply muna sila ng Pag Ibig"
nag pantig po ang aking tenga at hininto ko ang pag fill up. tinanong ko si ginang officer. maam san po ba nag sasaad na mandatory na yang pag ibig? itinuro sa pader at RA 9679 ng saligang batas daw.
umalis po ako at hindi na nag tuloy sa pag fill up.
nag hahanap po ako ng kasagutan kung talaga po bang mandatory na ang pag ibig at kelangan kumuha muna nito bago maga kuha ng OEC. ano po ba ang dapat gawin sa ganitong pag kakataon?
advice lang po.