sad story..
share ko lang... kakainis kasi..
last saturday, i had my 2nd car accident. Pero gaya ng 1st accident ko, di ko kasalanan. I have pictures to prove it. Qatari ang bumangga sa akin. Nung nasa scene kami ng accident, sinabi ng police na di ko kasalanan. Kaya akala ko ok na, sabi lang, na next morning ko na makukuha ung report. So pumunta ako sa police station sa khalifa, pagkuha ko ng report, syempre check radar muna, pero pinagbayad ako ng 100riyals.. ang alam ko kasi, pag ikaw nagbayad ng report ibig sabihin ikaw me kasalanan. so tinanong ko kung ako ba me kasalanan, kasi arabic ang report di ba? sabi nung babae sa counter, hindi daw, bagong rules daw na pag me accident bayad ng 100. so bayad naman ako. then nagtataka ako sa 2 papel na binigay sa akin, halos magkamukha. eh di naman ganun ung nakuha ko nung 1st accident ko. kaya tinawagan ko ung egyptian friend ko at pinapunta ko sa station. Sabi nya mali daw binigay sa akin, kaya bumalik kami sa counter.. ayun mali nga, tapos nung binigay na ung report ko, nabasa nya na ako daw me kasalanan, so inexplain ko sa kanya ung accident ko at ung sya ang nagexplain sa police (arabic na usapan syempre). hanggang sa nagtataasan na sila ng boses. kasi nakikipagaway na ung egyptian friend ko. pinakita pa nya ung picture na kuha sa cellphone ko,tapos nila magusap sabi sa akin ng friend ko, ayaw daw pumayag ng police, sabi kalas kalas! ako daw me kasalanan, sabi pa ng friend ko sa police, alam ko batas, sabi ng police, ang batas daw dito sa qatar laging nagbabago, baka bukas daw iba na naman, tapos sabi sa amin kung gusto daw namin magreklamo, pumunta daw kami sa kabilang opis ang magfile ng case, gagastos daw kami ng thousand thousand riyals! kaya tumahimik na ung friend ko kasi ganun na sinabi ng police. at galit na galit na ung police. So in the end... ako na ang me kasalanan. grrr..
ang mas nakakainis, sobrang abala kasi sa nangyaring un, 2 days akong di nakapasok sa work,dahil sa pagaayos nito. tapos dahil nga sa "kasalanan ko"insurance ko magbabayad, kahit full insurance ako,dahil 2 yrs na daw. babayaran ko ang 30% na magagastos na spare parts. tapos ayaw pa nila ipaayos sa kasa, binigyan lang ako ng garage na pupuntahan ko sa industrial.. dahil sa ramadan, next week pa mapapasok ung kotse ko dahil madami daw ginagawa...
bakit nabaligtad ung story? dahil ba sa qatari nakabangga ko o malas lang talaga ako. Di ko na kinuwento ung pabalik balik ako sa police station dahil sa mali mali binibigay sa aking papel.. haaay.