Tama Bang Mag-Uwi Ng Trabaho Sa Bahay?
Tama Bang Mag-Uwi Ng Trabaho Sa Bahay?
Pangkaraniwan na sa mga empleyado ang mag-uwi ng trabaho sa bahay...
na kadalasang pinag-aawayan ng mga mag-asawa.
Maghapon ka na ngang wala, pag-uwi mo wala ka pa ring panahon sa mga
Anak mo... yan ang kadalasang linya ng partner mo. Oo nga naman, dapat
Balance lang ang buhay.. me panahon sa trabaho at me panahon sa mga mahal sa
buhay.
Yan ang dapat nating sanayin... balanseng buhay para sa masayang
pagsasama!
Naalala ko tuloy ang kapit-bahay ko tahimik lang sila, masaya, at
Palagi kong naririnig na nagtatawanan. Nguni't isang araw nagulat ako sa
Aking narinig.... iyakan ng mga bata, galit na galit na nanay!
Walanghiya ka bakit ka nag-uwi ng trabaho dito... pasensya na mahal,
Ang dami kasi ng trabaho baka di ko matapos, eh kailangang mai-deliver na
agad ang mga ito!
Sa loob-loob ko, minsan lang naman yata nag-uwi ng trabaho di pa
pinagbigyan!? Tuloy pa rin ang sigawan, iyakan.... lubos na akong
nabahala kaya kinatok ko sila pare, pare.... okay lang ba kayo dyan?
Binuksan ng babae ang pinto at galit na galit nagsumbong sa kin....
Hay naku pare, ****** tong pare mo nag-uwi ng trabaho dito sa bahay!
Sabi ko, intindihin mo na lang mare, minsan lang naman ata mag- uwi ng
trabaho si pare, baka talagang sobrang dami lang ng trabaho nya ngayon
at me deadline siya.
Galit na galit ang babae na sinagot ako.....
"Sobra ka naman talaga pare, nakalimutan mo bang "EMBALSAMADOR" ang
Asawa ko?
Enjoy! hehehe..............