Tanong tungkol sa Qatar ID/Visa Expiration
itong buwan na ito mag-eexpire ang visa ko po. maari pa ba ako manatili sa Doha kahit expire na ang visa ko? if yes, mga gaano katagal para manatili habang expired ang visa?
medyo complicated kasi ang aking status sa company. hinahantay ko ibigay ang aking salary increase itong buwan na ito. kapag wala pa rin, ako ay mag desisyon umuwi na lamang. nun nakaraang agosto, ako ay nag resign. kumuha na nga rin sila ng kapalit ko. pauwi na sana ako itong first week of October ng mag offer ng salary increase si General Manager sa akin at para manatili magtrabaho sa company. Tinanggap ko ito ngunit wala pa rin effectivity ng increase hanggang ngayon. binigyan ko sya 1 month para i-finalize ang lahat. nagpa-rebook na nga ulit ako ng plane ticket ko. buti na lang Free pa sa unang pagpalit. :)
Natatakot rin ako na kapag renew nila Visa ko ngayon at mauwi pa rin ako next month baka ipabayad sa akin yun visa ko for 1,000 QR or 1,200 QR sabi ng Accounting Manager. Medyo malaking halaga rin yun kasi para sa akin na ayaw ko rin sana bayaran kapag umabot sa sitwasyon na yun.
Anong maari kong gawin ngayon? Please help mga friends/kabayans :)