Tulong Kay Flori
Ipagpaumanhin na lamang po ninyo kung aking ipagpapangahas na ilathala dito ang isang kampanya ng isa sa aking mga kaibigan. Itoý bilang isang maliit na tulong na rin sa kanyang magandang saloobin.
Ito po ay patungkol sa kanyang kaibigan na si Flori Lacap na ngayon ay nagdaranas ng matindi at malubhang karamdaman,. Si Flori po ay stage 4 cancer patient na nangangailangan ng tulong upang maipagpatuloy ang kanyang pagpapagamot.
Lumapit na sya sa PCSO noong unang “Chemo” niya, subalit talagang kulang at may limit din sa paglapit sa PCSO, hanggang 2 beses lamang. At kung nakalapit ka na sa PCSO, hindi na rin puwedeng lumapit sa DSWD.
Itinawag na rin ng aking kaibigan ang pangangailangan ni Flori sa ABS CBN, subalit pinagpayuhan siya na ipila nila ang kay Flori sapagkat talagang marami ring lumalapit sa ABS CBN.
Kadalasan akoý nagmamasid lamang dito sa QL, at batid kung maraming may magagandang kalooban at bukas palad, maraming nang mga pagtulong ng kumunidad na ito na napalathala sa pahayagan. Kaya naman akoý naglakas loob na ilapit ang kalagayan ni Flori dito sa FilexpatQL. Sana po ay makaasa sya ng tulong, kahit kunting tulong ay malaking pasasalamat ni Flori... http://florilacap.webs.com/apps/blog/entries/show/2059913-pledges