Tulong at payo mga kabayan......please ... by aj_oragon
nagpasa nako ng resignation- 2 linggo ang nakakaraan.
ang rason ko ay problema ko sa wife ko. at ang paraan ko lng para ma-save pamilya ko ay umuwi at ayusin ang problema.
sinabi ko sa amo ko na ayaw ko na magwork sa abroad dahil nadala nako at tipong malas sakin ang pangingibang bansa.
sabi ko din ay apektado ang trabaho ko dahil di ko na magagawa ito ng maayos dahil kakaisip.
ayaw nya ako payagan...gusto ko na umuwi mga kabayan..ano gagawin ko? tulungan nyo naman ako o kaya payuhan nyo ako..ayaw ko na din magtrabaho dito sa qatar..gusto ko lng maging maayos lahat samin ng asawa ko.
ano ba pwede nyang gawin sakin? pwede ba nya akong kasuhan kung talagang ayaw ko na pumasok?