Update on the Forty Filipino workers
This is an update regarding the forty (40) Filipino workers who are the subject of a previous thread:
http://www.qatarliving.com/node/471562
I will write the rest of my update in Filipino since the Filipino community is my target audience (and this is in the Filipino group forum).
Kagabi po ay pumunta kami (ako, si Owen at si Fiery) sa accommodation ng 40 kababayan natin na hindi po pinapasahod ng kanilang kumpanya. Mabuti-buti naman po ang kalagayan pero sa dami nila ay talagang kailangan pa po ng tulong lalo na sa pagkain. Nag-abot po kami ng tulong (pagkain at toiletries) galing po sa inyo na nagbigay na.
Ang nakakalungkot po ay ang hindi makitang tulong ng ating butihing embahada at ng POLO/OWWA. Pinangakuan po kasi sila ng employer nila na pasasahurin noong April 5. Pero di po nangyari ito. Kaya po nung April 9 ay pumunta po sila sa OWWA/POLO. Kaya lang po alam nyo naman na HOLIDAY ang ating butihing embahada kaya pinabalik na lang sila.
Bumalik po sila ng April 12 ang sagot daw agad eh: "Nagpa-media na pala kayo (sa Balitang Middle yata)! Eh di sa media na kayo humingi ng tulong." Nung sinabi nila na lahat sila ay dokumentadong mga OFW at dun sila kumukuha ng OEC kada magbakasyon ay saka lang sila inasikaso.
Pero nung humingi sila ng abugado, ang sagot naman sa kanila: "Mahal ang abugado. Malaki ang magagastos ng embahada!" (hay.... hingang malalim....buntong hininga....) Pinangakuan sila na pupuntahan na lang sa accommodation nila.
April 12 po yun at hanggang kagabi April 21 ay wala pong bumibisita sa kanila galing sa ating butihing embahada o sa POLO/OWWA.
May hearing po sila sa higher court (dun na po pinasa ng labor ang kaso) sa May 13. Ang payo ko po sa kanila ay bumalik sa POLO/OWWA at humingi ng tulong kundi man sa abogado ay translator man lang. Ang hearing kasi ay sa wikang lokal at baka sila madehado kung hindi nila maiintindihan ang proseso sa korte.
Ang sabi rin po namin ay kung sagutin ulit sila ng pabalang o hindi tulungan ay isulat o kunin nila ang pangalan ng mga kausap nila ay ipaabot sa amin para ilagay natin dito sa forum at ng makilala nating lahat.
Nakakalungkot po na ganito ang klaseng tulong na iniabot ng POLO/OWWA sa mga DOKUMENTADONG OFW. Sabi nga nila pag nababayad daw sila ng OEC ang bilis-bilis pero ngayong humihingi sila ng tulong........
Umaasa pa rin akong gigising sila at aaksyon.... siguro sa sama-sama nating pagkalampag sa damdamin at isip nilang tulog.
Salamat po sa lahat ng tumulong at tutulong pa.