Valentines J♥ke
sa ospital nagpi-fill up si lola ng medical record...
Lola: iha, ano ba ilalagay dine sa status?
Nurse: may asawa po ba kayo lola?
Lola: meron
Nurse: married po ilagay nyo 'la
Lola: hindi naman kami kasal e, flirt flirt lang
Nurse: hmm.. sige lagay nyo na lang po single
Lola: pero nagsecret marriage kami dati sa barangay
Nurse: uhmm.. sige po kayo na po bahala.
pagka-check ng nurse, nakita sinulat ni lola…
"IT'S COMPLICATED"
♥♥♥♥♥
mag-ex nagkasalubong
Boy: kamusta araw mo?
Girl: hmmmmm.. parang girlfriend mo!
Boy: ha, bakit?
Girl: HINDI MAGANDA
♥♥♥♥♥
sa bahay...
Misis: Oh honey you’re so romantic! why did you gave me 3 roses?
Mister: Kasi hindi puwedeng bumili ng isa lang... tatlo sampu talaga!
♥♥♥♥♥
3 babae galing sa kanilang mga valentines date...
Girl1: hay exciting ang date ko look nagulo ang hair ko.
Girl2: ahh sa akin ang the best look nabura ang make up ko.
Girl3: (natatawa lang sa dalawang babae) tinanggal ang underwear hinagis sa dingding dumikit. Yan ang the best na date!!!
♥♥♥♥♥
Buti pa ang kalendaryo... may date.
Buti pa ang Hersheys... may kisses.
Buti pa ang probability... may chance.
YUNG IBANG TAO... WALA.
Buti pa ang Paranaque... may BF.
Buti pa ang farm... may chicks.
Buti pa ang halaman... may nag-aalaga.
YUNG IBANG TAO... WALA.
Buti pa ang nitso... may bulaklak.
Buti pa ang patay... may dumadalaw.
Buti pa ang bilanggo... binabantayan.
YUNG IBANG TAO... BALIWALA.
Buti pa ang tennis may... may love.
Buti pa bees... may honey.
Buti pa ang Chemistry... may lab.
YUNG IBANG TAO... WALA.
Buti pa ang telepono... hini-hello.
Buti pa ang film... nadi-develop.
Buti pa ang typewriter... nata-type-pan.
YUNG IBANG TAO... HINDI.
Buti pa ang exams... sinasagot.
Buti pa ang problema... iniisip.
Buti pa ang assignment... inu-uwi.
YUNG IBANG TAO... HINDI.
Buti pa ang panyo... nadadantayan ng pisngi.
Buti pa ang baso... nadadampian ng labi.
Buti pa ang unan... inaakap sa gabi.
YUNG IBANG TAO MANHID.
Buti pa ang kamalian... napapansin.
Buti pa ang salamin... minamasdan.
Buti pa ang hininga... hinahabol.
YUNG IBANG TAO... HINDI.
Buti pa ang tindera... nagpapatawad.
Buti pa ang awit at tugtog... pinagsasama.
Buti pa ang sugat... inaalagaan.
YUNG IBANG TAO... HINDI.
Buti pa ang lungs... malapit sa puso.
Buti pa ang bra... kakabit ng dibdib.
Buti pa ang kotse... mahal.
YUNG IBANG TAO... HINDI.
Buti pa ang pera... ini-ingatan.
Buti pa ang mahjong... sinasalat.
Buti pa ang damo... dinidiligan.
YUNG IBA DIYAN... MANHID.
BUTI PA...
♥
♥
♥
♥
♥
♥
♥
♥
♥
♥
♥
♥
♥
MAGTRABAHO NA AT BAKA MASISANTE PANAY ANG QL.